AFP

Mahigit sa 75 katao ang namatay at dose-dosenang mga nawawala pa rin matapos ang mabilis na pagbaha at pagguho ng lupa ay tumama sa Indonesia at karatig East Timor, sinabi ng mga opisyal nitong Lunes.

Internasyonal

Tinatayang 150 milyong bata sa buong mundo, nananatiling 'undocumented'

Ang mga baha na bunsod ng malakas na ulan ay nagdulot ng malaking pinsala at pagkawasak sa mga isla mula sa Flores sa Indonesia hanggang sa East Timor, na nagtulak sa paglikas ng libu-libo.

Ang delubyo at kasunod na pagguho ng lupa ay naging sanhi ng pag-apaw ng mga dam, na nagpalubog sa libu-libong mga bahay at iniiwan ang rescue workersna nagpupumilit na maabot ang mga nakulong na nakaligtas.

"There are 55 dead, but this number is very dynamic and will definitely change, while some 42 people are still missing," sinabi ni Indonesia disaster management agency spokesman Raditya Djati sa broadcaster na MetroTV.

Hindi bababa sa 21 katao ang namatay din sa East Timor, sinabi ng isang opisyal sa maliit na bansa na kalahating isla na nasa pagitan ng Indonesia at Australia.

Marami sa mga namatay ay nasa nalubog na kabisera ng Timor, ang Dili.

Tinakpan ng putik ang mga bahay, tulay at kalsada sa munisipalidad ng East Flores ng Indonesia, kung saan nagpupumilit ang mga tagapagligtas na maabot ang isang liblib na lugar na matinding tinamaan ng pag-ulan at malakas na alon.

"The mud and the extreme weather have become a serious challenge and the debris piling up has hampered the search and rescue team," sinabi ni Djati.