Ni Patrick Garcia
Si dating Pangulong Joseph “Erap” Estrada ay kinabitan na ng mechanical ventilation matapos lumala ang kanyang kalagayan isang araw matapos mailagay sa Intensive Care Unit (ICU).
Sa isang Facebook post, inihayag ni dating Senator Jinggoy Estrada nitong Martes,Abril 6, na lumala ang pneumonia ng kanyang ama matapos itong mahawaan ng COVID-19.
“Yesterday, my father’s condition suffered a setback as his pneumonia worsened.” sinabi ni Jinggoy.
“Because of this and the resulting increase in oxygen requirement, his doctors decided to place him on mechanical ventilation,” dagdag niya.
Sinabi ni Jinggoy na ginawa ito upang mapabuti ang paghahatid ng oxygen pati na rin upang maiwasan ang paghina ng mekanismo ng paghinga ng kanyang ama.
“My father has always been a fighter and I hope that with the help of your prayers he will win this battle. Please continue praying for his immediate recovery.” sinabi ni Jinggoy.
Isinugod si Estrada sa Cardinal Santos Medical Center (CSMC) sa Greenhills, San Juan noong gabi ng Marso 28 matapos niyang maranasan ang panghihina ng katawan. Nag-positibo siya sa COVID-19.