Ni DANTE A. LAGANA
Hindi na kataka-taka kung bakit ilang acting awards na ang naiuwi ng Gawad Urian Best Actor na siElijah Canlassa mga ipinamalas niyang husay sa pag-arte.
Nakausap ng Balita recently sa virtual mediacon ngPaano ang Pangakoang aktor para usisain kung paano niya inihahanda ang sarili sa character na gagampanan at paano niya ito pinag-aaralan. Inisa-isa ni Elijah kanyang mga tips at karanasan na puwedeng kapulutan ng mga artistang nagsisimula pa lamang.
“I will always start with the script. Tapos kasi siyempre yun po ang Bibliya ng isang aktor. Tapos ia-analyze po not just as from my character pero sa lahat po kung ano pong relationship ko sa settings, sa iba pang mga characters. Tapos ngayon po actually natutunan ko while working on this show is just don’t overprepare.
“Kasi po nakikita iyon kapag masyadong nago-overprepare nagiging mechanical. Natulungan po ako ng lahat ng matutunan yung pagiging in the moment. Yung bumalik po sa basics na makinig lang, magreact lang tapos kung anong kalabasan just enjoy whatever scene you are doing kahit mabigat yan o ano. Ang dami ko pong natutunan while working on this actually. And I guess ang masasabi ko na lang po just be open to learning, just be open to every act in choice the risk.
“Huwag pong masyadong sarado huwag pong masyadong isipin yung vanity or kung anuman. I mean what serves the best purpose for the scene or for your character. Yun lang po yun at the top of my mind yung mga important parts for me while doing a scene.”
Lahat ng kanyang nabanggit ay talaga namang nakikita sa husay ng pagkakaganap niya bilang si Noel saPaano ang Pangakoang pagtatapos na may special finale marathon ngayong Black Saturday, April 3, sa ganap na 2 p.m. hanggang 7 p.m. sa TV5. Ang teleserye ay gawa ng IdeaFirst Company. Present ang cast sa naganap na virtual mediacon sa pangunguna ninaMaricel Laxa-Pangilinan, Bing Loyzaga, John “Sweet” Lapus, Desiree Del Valle,Beauty Gonzalez, DirekEric Quizon, DirekJun Robles Lanaat DirekPerci Intalan.Hindi raw namimili ng role si Elijah kaya open siyang gampanan kung anuman ang character na iaatang sa kanya. Aniya, “Ako po open lang po ako sa kahit anong roles. Kasi mayroon pong infinite you know kind of characters na puwedeng gampanan.”
Nakilala si Elijah sa Boys Love (BL) series naGameboysna kung saan pumatok sa mapa LGBTQ+ man o hindi ay talagang tinangkilik ng husto dahil na rin sa ganda ng istorya, galing ng mga artistang bumubuo at pagkakadirek ng series and all. Kaya naman tanong ng karamihan kailan daw ilalabas ang second season nito?
“I don’t think I can say much po, pasensiya na po. But all I can say is we really work hard while doing it while shooting it and right now nasa post production process po siya and I know mga perfect sila Direk Jun, Direk Ivan, Direk Perci. So I know na it’s gonna take a while because their gonna make it worth it for everybody to see. Pero exciting siya sobrang exciting siya I really think it’s better than the first season and ang daming pasabog parangPaano ang Pangako?,” sagot ni Elijah.
Yun na!