WASHINGTON (AFP) - Isang opisyal ng pulisya sa US Capitol ang napatay at isa pa ang nasugatan noong Biyernes matapos salpukin ng isang sasakyan ang security at bumagsak sa isang harang sa Washington complex, nagpuwetsa sa pag-lockdown nito halos tatlong buwan matapos ang isang pag-atake ng mga tao sa Kongreso.

Binaril at napatay ng pulisya ng Capitol Police ang driver matapos siyang tumalon mula sa kotse at inambahan sila ng patalim, sinabi ni Acting Chief Yogananda Pittman sa mga reporter.

Si President Joe Biden, na kasama ang unang ginang na si Jill Biden sa Camp David para sa holiday ng Easter, ay nagpaabot ng kanyang "heartfelt condolences" sa pamilya ni William Evans, ang batikang pulis na napatay sa pag-atake.

"Jill and I were heartbroken to learn of the violent attack at a security checkpoint on the US Capitol grounds," sinabi ni Biden sa isang pahayag.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina

Sinabi ng US media na kinilala ng mga opisyal ang umaatake bilang si Noah Green, isang 25 taong gulang na lalaking Black mula sa Indiana at isang tagasunod ng Black nationalist Nation of Islam movement.

Sinabi ni Pittman na walang agarang indikasyon ng kanyang motibo o file ng pulisya sa kanya.

"It does not appear to be terrorism-related, but obviously we will continue to investigate," dagdag ni Washington Metropolitan Police Chief Robert Counter.