AFP

Dose-dosenang mga tao ang napatay noong Biyernes nang magdiskaril ang isang punuang tren sa loob ng isang tunnel sa silangang Taiwan, ang pinakapangit na aksidente sa riles ng isla sa loob ng maraming dekada.

Ang rescue team members sa site kung saan nadiskaril ang tren sa tunnel sa kabundukan ng Hualien, eastern Taiwan.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina

(New Taipei City Fire Department / AFP)

Sinabi ng National Fire Agency ng Taiwan na hindi bababa sa 41 katao ang kumpirmadong namatay na may higit sa 60 na ipinadala sa ospital.

Dalawang tao pa rin ang nakakulong sa mga nabaluktot na mga bagon sa loob ng lagusan noong Biyernes ng hapon, idinagdag ng ahensya.

Sinabi ng mga opisyal na ang aksidente ay maaaring sanhi ng isang maintenance vehicle na dumulas sa isang pilapil at humampas sa tren sa bago ito pumasok sa lagusan malapit sa baybaying lungsod ng Hualien.

“There was aconstruction vehicle that didn’t park properly and slid onto the rail track,” sinabi ni Hualien county police chief Tsai Ding-hsien sa reporters.

“This is our initial understanding and we areclarifying the cause of the incident,” dagdag niya.

Sinabi ng tanggapan ni President Tsai Ing-wen na inatasan niya ang mga ospital na maghanda para sa isang mass casualty.

“The top priority now is to rescue the stranded people,” sinabi nito sa isang pahayag.

Ang aksidente ay naganap sa eastern railway line ng Taiwan dakong 9:30 ng umaga (0130 GMT).