CLEVELAND (AFP) — Tinuldukan ng Philadelphia 76ers ang six-game road trip sa impresibong sweep, sa kabila ng pagkawala ni All-Star at MVP candidate Joel Embiid, matapos gapiin ang Cleveland Cavaliers 114094, nitong Huwebes (Biyernes sa Manila).

Hataw si Shake Milton sa naiskor na 27 puntos at tumipa si Dwight Howard ng 18 puntos at 15 rebounds para patatagin ang kampanya na makuha ang No. 1 seeding sa Eastern Conference habang nagpapagaling saa injury sa kanang tuhod si Embiid.

Kumana rin si Seth Curry ng 19 puntos tampok ang limang 3-pointer para maibsan ang malamyang opensa ni Ben Simmons na nalimitahan sa daalwang puntos.

SPURS 134, HAWKS 129, 2OT

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Sa San Antonio, kumana si Clint Capela ng 28 puntos at 17 rebounds, habang umiskor si Trae Young ng 28 puntos at 12 assists, sa panalo ng Atlanta Hawks laban sa Spurs.

Nanguna sa San Antonio si DeMar DeRozan na may 36 puntos at siyam na assists, habang kumasa si Derrick White ng career-high seven 3-pointers para sa 29 puntos.

NUGGETS 101, CLIPPERS 94

Sa Los Angeles, nagsalansan si Jamal Murray ng 23 puntos para sandigan ang Denver Nuggets laban sa Clippers at sungkitin ang ika-apat na sunod na panalo.

Nanguna si Kawhi Leonard sa Clippers na may 24 puntos at 12 rebounds. Sa iba pang laro, ginapi ng Miami Heat ang Golden State Warriors, 116-109; nasilo ng Brooklyn Nets ang Charlotte Hornets, 111-89; naungusan ng Orlando Magic ang New Orleans Pelicans, 115-110; pinabagsak ng Detroit Pistons ang Washington Wizards, 120-91.