NAIS ng Makabayan bloc sa Kamara ang agarang imbestigasyon sa presensiya ng mahigit sa 200 Chinese vessels sa Julian Felipe Reef sa West Philippine Sea (WPS).
Naghain ng House Resolution 1675 ang Makabayan bloc na humihiling sa House Committee on National Defense and Security na gumawa ng pagsisiyasat hingil dito upang makagawa ng kongretong aksyon.
“The failure of the Duterte administration to protect the country’s territorial integrity resulted in the loss of livelihood of many Filipino fisherfolk. With the continuing harassment by the China Coast Guard and the Chinese deployment of maritime militias, Filipinos were deprived of the natural resources in its own territory,” pahayag ng grupo.
Ngunit ang isyu ay napagalaman nang mismong ang Philippine Coast Guard (PCG) ang nagreport na naispatan nila ang 220 barko ng China na pinaniniwalaang pinangangasiwaan ng maritime militia personnel malapit sa reef na saklaw ng Exclusive Economic Zone (EEZ) ng Pilipinas.
Sinabi ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. na nagpadala na siya ng diplomatic protest sa pinakahuling incursion ng China sa karagatang sakop ng ating bansa. Nanawagan naman siDefense Secretary Delfin Lorenzanasa China na itigil na nito ang pagpasok sa karagatan at teritoryo ng Pilipinas.
Bert de Guzman