MASINSIN na pinag-aaralan ng pamahalaan ang pagpapalawig ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa National Capital Region (NCR) at sa apat na karatig na probinsiya.

Ayon kay National Task Force Against Covid-19 (NTF) chief at vaccine czar Carlito Galvez Jr., posible lamang na tumagal pa ang ECQ kapag hindi bumaba ang bilang ng kaso ng COVID-19.

Sinabi ni Galvez na bukas sila sa pagsunod sa suhestiyon ng mga eksperto na gawing dalawang linggo ang pagpapalawig dahil iyon ang inoculation period ng virus.

"Sakaling hindi pa bumaba ang kaso sa kasalukuyang ECQ, kailangan na makumpleto ang 14-days na inoculation period," wika ni Glavez.

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

Kasabay nito ay nagpahayag din ng pangamba si NTF medical adviser Ted Herbosa na kapag binuksan na agad ang ekonomiya sa Abril 4 ay baka lalong tumaas ang kaso ng COVID-19. Beth Camia