HINIMOK ni Senator Manny Pacquiao, tanging boksingero sa mundo na may walong titulo sa walong magkakaibang division, na itigil ang pananakit at walang habas na pagpatay sa mga Asyano na naninirahan sa Amerika, kasabay ang hamon na siya na lang harapin at labanan nang mga itinuturing ‘hate crime attackers.’
Ayon sa Pambansang Kamao, maituturing karuwagan ang ginagawang pagtake sa mga Asyanong matatanda, kababaihan at maging bata, higit at masunurin sa batas ang mga naturang mamamayan.
Ilang mga Pinoy naman sa labas at loob ng bansa ang nanawagan sa pamahalaan ng US at sa UN Human Rights na agarang kumilos at aksyunan ang isyu upang mapigilan ang mga karahasan.
Sa kasalukuyan, umabot na sa mahigit isang milyon ang nagbigay ng suporta sa panawagan ni Pacquiao sa online mula sa Pilipinas,China, Korea at Japan. Jun Pabon.