Ang mummified na labi ng 22 sinaunang mga hari at reyna ng Egypt ay ipaparada sa mga kalye ng Cairo sa Sabado, sa nakakaakit na royal procession patungo sa isang bagong lugar na pahingahan.
Tinawag na Pharaohs' Golden Parade, ang 18 hari at apat na reyna ay maglalakbay nang inayos, mauuna ang pinakaluma, bawat isa sakay ng magkahiwalay na float na pinalamutian ng istilong Sinaunang Ehipto.
Ililipat ang mga ito mula sa isang dekada nang paninirahan sa Egypt Museum sa gitnang Cairo upang maipakita sa National Museum of Egypt Civilization, na unang binuksan noong 2017, sa timog ng kabisera.
Pagdating, ilalagay sila sa "slightly upgraded cases,”!sabi ni Salima Ikram, propesor ng Egyptology sa American University sa Cairo.
"The temperature and humidity control will be even better than it was in the old museum," dagdag ni Ikram, isang mummification specialist.
Emblazoned na may pangalan ng kanilang panahon ng pamumuno, ang bawat isa sa mga kulay na gintong mga karwahe ay lalagyan ng mga shock absorber para sa 40 minutong paglalakbay sa Cairo, upang matiyak na wala sa mga mahahalagang cargos ang aksidenteng maistorbo.
Si Seqenenre Tao II, "the Brave", naghari sa timog Ehipto mga 1,600 taon bago si Cristo, ay sasakay sa unang karo, habang si Ramses IX, na naghari noong ika-12 siglo BC, ay nasa hulihan.
Sina Ramses II at Queen Hatshepsut, ang pinakamakapangyarihang babaeng paraon, ay maglalakbay din.
Simula sa 6.00 ng hapon (1600 GMT) sa Sabado, ang prusisyon ay magaganap sa ilalim ng mahigpit na pagbabantay ng malaking mga puwersang panseguridad.
Ang parada ay ilulunsad ng musika at mga pagtatanghal mula sa mga artista ng Egypt, lahat ay live na broadcast sa telebisyon ng estado