Ni Leslie Ann Aquino

Sa halip na manuod ng Netflix, hinimok ng isang obispong Katoliko ang mga deboto na panoorin ang "senakulo" ngayong Semana Santa.

Balanga Bishop Ruperto Santos

Probinsya

Truck na naghatid ng mga balota sa Bukidnon, nahulog sa bangin; isa patay!

Sinabi ni Balanga Bishop Ruperto Santos na ang panonood ng “senakulo” ay makakatulong sa mga mananampalataya na mas makapagnilay at ma-catechize ngayong Semana Santa.

“As our faithful stays at home, it is a help for them to be catechized by watching our Diocesan YouTube Lenten recollections and passion scenes, instead of watching Netflix or navigating online channels,” sinabi niya sa isang panayam nitong Huwebes, Abril 1.

Sinabi ni Santos na ang senakulo ay ginagawa rin ang kabataan na aktibo sa parokya.

“Senakulo makes our young people be active in parish, creative in reaching to others and maximise their talents for the service of the diocese and for God’s glory,” aniya.

Inimbitahan ng Our Lady of the Pillar Parish Morong, Bataan ang publiko na panoorin ang Fiat voluntas Tua ’(Senakulo 2021) sa Biyernes Santo, Abril 2 ng 9:00 A.M

Ang Fiat voluntas Tua ’(Senakulo 2021) ay maaaring mapanood sa pamamagitan ng Facebook page ng parokya o YouTubehttp://bit.ly/OLPPMorongYT.

Ang iba pang mga simbahan ay mayroon ding senakulo ngayong Semana Santa tulad ng Quiapo Church at St. John Bosco Parish sa Tondo. Ang pagtatanghal ay mapapanood din sa online.

Sa Pilipinas, ang pag-obsera ng Biyernes Santo ay kinabibilangan ng Way of the Cross, pagbigkas ng Pasyon, prusisyon ng "Santo Entierro" o ang imahe ng namatay na si Cristo at iba pang mga santo na konektado sa Passion at pagtatanghal ng "senakulo" pagsasadula ng pasyon.