INAPRUBAHAN ng House Committee on Human Rights sa ilalim ni Quezon City Rep. Jesus Suntay ang sinusugang substitute bill na magtatatag sa Magna Carta on Religious Freedom.

Ang pinalitan ay ang House Bill 6538 na akda ni CIBAC Partylist Reps. Eduardo Villanueva at Domingo Rivera; at HB 8469 ni Camarines Sur Rep. Luis Raymund Villafuerte Jr.

“The draft Magna Carta on Freedom of Religion is regarded as another landmark legislation of the committee as it is an embodiment of the State’s policy to protect and uphold at all times the fundamental and inalienable right of every person to freely choose and exercise one’s religious belief,” ayon kay Suntay.

Tinukoy sa substitute bill ang mga karapatan ng bawat indibidwal sa religious freedom, gaya ng karapatang pumili ng relihiyon o grupong relihiyoso, karapatang ipahayag ang mga paniniwala sa relihiyon, praktis, gawaing aktibidad, karapatan sa kalayaan laban sa diskriminasyon sa trabaho at sa educational institutions.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Bert de Guzman