Ni Bert De Guzman
In-adopt ng House Committee on the Welfare of Children sa pamumuno ni TINGONG SINIRANGAN Party-list Rep. Yedda Marie Romualdez ang mga rekomendasyon ng committee report ng ilang panukalang batas na nananawagan sa imbestigasyon tungkol sa nakababahalang pagdami ng online sexual exploitation ng mga bata sa Pilipinas.
Ang House Resolutions 1118 at 1336 ay inakda nina Romualdez, Majority Leader Ferdinand Martin Romualdez , at Pangasinan Rep. Christopher De Venecia.
Ang HR 999 naman ay akda ni Rizal Rep. Juan Fidel Felipe Nograles at ang HR 1313 ay ni Gabriela Party-list Rep. Arlene Brosas, na ang layunin ay siyasatin ang pagdami ng mga kaso ng online sexual exploitation ng mga bata sa panahon ng pandemic.
Sinabi ni Romualdez na ang mga rekomendasyon na nilalaman ng draft committee report ay nakuha mula sa iba't ibang stakeholders at iba pang ahensiya ng pamahalaan sa nakaraang mga pagdinig.
“The country has become the global epicenter of online abuse with the COVID-19 pandemic facilitating in the surge of online exploitation and abuse of children (OEAC) cases,” ani Romualdez.
Kabilang sa mga panukala na pinag-isa ng substitute bill (Internet Safety Bill) ay ang HBs 5609, 5651, 5684, 8295 at 8534 na ni-refer sa Committee on the Welfare of Children