BAGUIO CITY – Habambuhay na pagkakulong ang inihatol ng korte sa isang kilalang drug personality matapos ang dalawang taon na paglilitis sa kasong paglabag sa Sections 5 at 11 ng Republic Act 9165 or the Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Ang hatol ay iginawad ni Judge Emmanuel Cacho Rasing ng Branch 3,RTC First Judicial Region, Baguio City, kay Eduardo Cabonitalia Borce, na bukod sa parusang ‘life imprisonment’ ay hindi pinapayagan na sumailalim sa parole at pinag-multa ng halagang P500,000,kaugnay sa paglabag nito sa Section 5, RA 9165 and at karagdagang 12 years and 1 day to 14 years of imprisonment at multang P300,000 sa paglabag nito sa Section 11 of RA 9165.

Sa record, si Borce ay nadakip noong Hulyo 25, 2019 sa isang buy-bust operation na isinagawa ng pulisya sa bahay nito sa at Lower Quirino Hill, Baguio City. Nakuha sa kanya ang ilang sachet ng shabu na nagkakahalaga ng P8,000.00 at karagdagang shabu na may timbang na .9725 grams.

Nauna rito, nahatulan din ang suspect sa dalawang magkahiwalay na kaso ng murder.

Probinsya

6 dayuhang nagsasagawa ng medical mission sa Leyte, ninakawan!

Nakatakdang ilipat si Borce sa New Bilibid Prison, Muntinlupa City habang isinasaayos ang mga compliance para COViD-19 health protocols.

Rizaldy Comanda