Ni Raymund Antonio

Bumaling ang netizens sa social media upang ipahayag ang kanilang pagkasuklam sa hindi kanais-nais na mga pahayag na ginawa ng isang opisyal ng Department of Interior and Local Government (DILG) tungkol kay Vice President Leni Robredo.

“Cheap” at “disrespectful” ang mga salitang itinapon kay DILG Undersecretary Epimaco Densing III na tila tinukoy si Robredo bilang "lugaw" at "non-essential.”

Matagal nang tinatawag ng Internet troll si Robredo na "Lugaw Queen" o "Leni Lugaw" mula pa nang kumalat sa online ang mga larawan ng kanyang campaign team na nagtitinda ng lugaw sa panahon ng kampanya noong 2016.

Internasyonal

Mga Pinoy na ilegal na naninirahan sa Amerika, binalaan ng PH Ambassador

Dahil nagsimula siya bilang vice presidential bet na may mababang pondo at awareness ratings noong 2016, nagpasya ang kanyang mga tagasuporta na magtinda ng lugawupang makatulong na makalikom ng pondo para sa kanyang kampanya.

Mabilis na pinuna ng Twitter users na pinagpapalit ni Densing ang "lugaw" bilang isang tao at "lugaw" bilang pagkain upang atakehin ang bise presidente.

“Trying to sound witty and taking a swipe at VP Leni. Pero naman, you failed miserably. Wala kang self-respect? If none for yourself, para sa pamilya mo na lang sana. Cheap,” sabi ng isang Twitter user na may handle @Tom_MD_.

Nitong Miyerkules ng gabi, nagkomento si Densing sa viral video ng isang opisyal ng barangay sa San Jose Del Monte City, Bulacan na pumigil sa isang delivery rider mula sa pagkuha ng isang order ng lugaw. Ikinatwiran ng opisyal ng barangay na ang lugaw ay hindi mahalaga sapagkat ang mga tao ay nabubuhay nang hindi kumakain nito.

Iginiit ng rider na ang lugaw ay "essential," at samakatuwid ay pinapayagan sa ilalim ng mga patnubay ng Inter-Agency Task Force (IATF) on COVID-19 Response para sa enhanced community quarantine (ECQ) na ipinatupad sa Bulacan.

Sinabi ni Densing: “Sabi niya kasi, non-essential si lugaw. Hindi talaga essential si lugaw. Pero kung sinabi niya, essential ang lugaw, ‘yun, tama ‘yun. Ang lugaw. Pero si lugaw ang binanggit niya. Non-essential talaga ‘yun sa pananaw namin.”

Nang mag-viral ang video ng pagpapalitan, nilinaw ni Presidential pokesman Harry Roque na “lugaw is essential.”