Ni Jun Fabon
Iginiit ni Luis Antonio Cardinal Tagle, ang prefect ng Congregation for the Evangelization of People sa Vatican, ang kahalagahan ng mensahe ni Santo Papa ngayong Kuwaresma 2021.
Sinabi ni Tagle na ibinase ng Santo Papa ang kanyang mensahe sa nakasaad sa Mateo 20:18 na iniimbitahan ni Hesukristo ang mga mananampalataya na magtungo sa Herusalem.
Ayon pa kay Tagle na mahalaga ang conversion o renewal sa “faith, hope and charity” sa tatlong disiplina ngayong Semana Santa na ang pagdarasal, pag-aayuno at pagbibigay ng tulong sa mga mahihirap.
Aniya, kahit na nais isipin ng tao na taun-taon ay walang pagbabago sa pagdarasal ay hindi rin dapat mawalan ng pag-asa at dito na pumapasok ang bisa ng panalangin.