PINAGBIDAHAN nina Al Basher "Basty" Jumangit Buto ng Cainta, Rizal at Janmyl Tisado ng General Trias City, Cavite ang mga nagwagi sa PSC-NCFP Selection - Luzon Leg Elimination nitong Huwebes sa tornelo.com.
Ang Grade 5 na si Buto, mula sa Faith Christian School sa Cainta, Rizal na suportado ang kanyang kampanya nina Sen. Ping Lacson, Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) Mayora Saidamen Amer Adiong at Queen Iyad ay nakakolekta ng 8 points mula eight wins at one loss sa nine outings para magkampeon sa 15 minutes + 10 seconds increment rapid time control format.
Habang ang 15-year-old na si Tisado, Grade 10 student ng Academy of Saint John - La Salle Greenhills Sat pambato ng General Trias City Chess Club sa pangangasiwa nina coach Ederwin Estavillo at Rep. Jon-Jon Ferrer ay tumapos ng two-player tie for second na may 7.5 points subalit sa bisa ng highest tiebreak score para makopo ang No. 2 spot.
May 7.5 points din si Nezil Arj Magnaye Merilles ng Calapan City, Oriental Mindoro na nag 3rd overall dahil sa lower tie break points.
Ang panalo ni Buto ay mula kina Jose Piro Caro, Joemel Narzabal, Marlon Constantino, Alfredo Balquin Jr., Juan Samson Guillermo Cantela, Jerish John Velarde, Mark James Marcellana at Tisado, habang nag-iisang pagkatalo sa kamay naman ni Joseph Mendoza II.
Kabilang naman sa mga tinalo ni Tisado sina Christian Borlaza, Robert Michael Tampus, Geonard Aldave, Joseph Navarro, Ivan Travis Cu, Merilles, Hans Ezekiel Olorosisimo bago matalo kay Buto.