MAY kabuuang 38 miyembro ng Philippine National Police (PNP) ang kabilang sa mga naigupo ng coronavirus (COVID-19).

Ayon kay PNP deputy chief for administration, Lt. Gen. Guillermo Eleazar, isang 46-year-old police officer na nakatalaga sa PNP-Drug Enforcement Group (DEG), ang pinakabagong personnel na sinawing-palad na namatay nitong Miyerkules dahil sa acute respiratory distress secondary to Covid-19 infection.

Sinabi ni Eleazar na 239 ang bagong kaso sa active cases sa PNP tumaas na ang bilang sa 15,105.

Sa total active infections, 2,285 ang isolated sa PNP facilities, ang iba sa mga local government units habang 65 ang confined sa mga hospitals. Nasa 146 police officers naka rekober sa sakit kung kaya’t pumalo na sa 12,718 ang total number ng mga recovered police personnel.

ALAMIN: Listahan ng mga holiday para sa 2025

Sa kabila ng patuloy na pagtaas ng Covid-19 cases sa PNP, siniguro ni Eleazar na palalakasin pa nila ang kanilang contingey measures. Fer Taboy