AFP

Humigit-kumulang 15 milyong dosis ng single-shot coronavirus vaccine na ginawa ni Johnson & Johnson ang nasira sa isang pagkakamaloli sa pabrika sa United States, iniulat ng The New York Times - isang dagok sa pagsisikap ng kumpanya na mabilis na mapalakas ang produksyon.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina

Nang makipag-ugnay sa AFP, sinabi ng higanteng parmasyutiko na natukoy nito ang isang batch ng dosis sa isang planta sa Baltimore na pinamamahalaan ng Emergent BioSolutions "that did not meet quality standards” ngunit hindi nakumpirma ang partikular na bilang na apektado.

Sinabi rin ng kumpanya na ang nasabingbatch "was never advanced to the filling and finishing stages of our manufacturing process."

“Quality and safety continue to be our top priority," ayon dito.

Gayunpaman ang ulat ng Times ay nagpahiwatig na ang isyu sa quality control ay maaaring makaapekto sa output sa hinaharap, na inaasahan na imbestigahan ng Food and Drug Administration.

Sinabi ng FDA sa AFP na ito ay “aware of the situation" ngunit tumanggi na magbigay ng puna.

Sinabi ni Johnson & Johnson na nagpapadala ito ng maraming mga dalubhasa sa site upang "supervise, direct and support all manufacturing of the Johnson & Johnson COVID-19 vaccine," na magpapahintulot dito na makapaghatid ng karagdagang 24 milyong shot hanggang Abril.

Ang planta ng Emergent BioSolutions ay hindi pa pinahintulutan ng US regulators na gumawa ng isang "drug substance” para sa bakunang J&J, sinabi ng kumpanya, ngunit iniulat ng media ng US na inaasahang makakagawa ng milyun- milyong mga dosis sa malapit na hinaharap.

Ang bakunang J&J ay pinuri para sa iisang dosis at dahil hindi ito kailangang i-freeze - hindi katulad ng mga bakuna mula sa Moderna at Pfizer - na ginagawang mas simple ang pamamahagi.

"We continue to expect to deliver our Covid-19 vaccine at a rate of more than one billion doses by the end of 2021," sinabi ng J&J.