AFP

Sinabi ng mga eksperto sa bakuna ng WHO  nitong Miyerkules na ang isang pansamantalang pagtatasa ng clinical trial data mula sa dalawang Chinese Covid-19 vaccines ay nagpapakita na ipinakita nila ang "kaligtasan at mabuting bisa", ngunit kailangan ng maraming datos.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina

Ang mga kumpanyang Chinese na Sinovac at Sinopharm, na ang bakunang Covid ay ginagamit na sa maraming mga bansa, ay nagsumite ng data sa mga aplikasyon para mabigyan ng pahintulot sa emergency use listing (EUL) ng World Health Organization.

Ang Strategic Advisory Group of Experts on Immunization (SAGE) na ahensya ng kalusugan ng UN ay nagsabing nasuri na nila ang datos na ibinigay hanggang ngayon, at ang parehong mga bakuna "demonstrated safety and good efficacy against symptomatic Covid-19 disease".

Gayunman, nagbabala ito na, "both vaccines lacked data in older age groups and in persons with co-morbidities," meaning other medical conditions.

"Post-introduction vaccine effectiveness and safety studies will be needed to address the impact on those sub-populations," sinabi ng SAGE sa isang listahan ng mga highlight na nailathala pagkatapos ng pagpupulong noong nakaraang linggo upang talakayin ang mga pagpapaunlad sa mga bakuna laban sa isang hanay ng mga sakit.

Ang dalawang bakuna ay kabilang sa apat na homegrown na bakuna na naaprubahan ng Chinese regulators sa ngayon, ngunit ipinunto ng SAGE na ang mga ito ay wala pa ring natatanggap na pahintulot ng isinasaalang-alang ng WHO na "a stringent regulatory authority".

Ang SAGE, na nagpapayo sa WHO tungkol sa mga patakaran sa pagbabakuna, ay nagsabi na titogil ito sa pag-isyu ng mga rekomendasyon para sa kung paano dapat gamitin ang dalawang bakunang Chinese hanggang sa matapos na magpasiya ang isa pang ekspertong panel sa kanilang mga aplikasyon ng EUL.

Ang listahan ng emergency use ng WHO ay nagbibigay daan sa mga bansa sa buong mundo na mabilis na aprubahan at mag-angkat ng bakuna para sa pamamahagi.

Binubuksan din nito ang pintuan para sa mga bakuna na makapasok sa Covax global vaccine-sharing scheme, na naglalayong magbigay ng pantay na pag-access sa mga dosis sa buong mundo at partikular sa mga mahihirap na bansa.

"For now, we have information that these vaccines are safe, and that they are in the process of defining their final analysis to show the efficacy that will be used for the emergency use listing approval," sinabi ni SAGE chair Alejandro Cravioto sa reporters.