ni Dante A. Lagana

HANDA na uli maging busy sa showbiz ang mahusay at batikang aktres na si Maricel Laxa-Pangilinan. Matagal din ang inabot bago nagbalik sa limelight si Maricel. Last year kasama siya sa drama series ng Paano ang Pasko? na pinalabas sa TV5. Sa pagpapatuloy ng teleserye dahil sa ganda na rin ng istorya ginawa itong Paano ang Pangako? na malapit nang magtapos. Napanood ito this Holy Week itong nakaraang Lunes hanggang Miyerkoles sa ganap na 7:15 p.m. Ang special finale marathon naman ay masisilayan sa April 3, Black Saturday mula 2 p.m. hanggang 7 p.m. sa TV5 at sa One Screen via the Cignal Play app. Ang IdealFirst Company ay ginawa ang lahat upang mapaganda ang finale ng “Paano ang Pangako?” na tiyak na magugustuhan ng mga fans at mga tagasuporta.

Tsika at Intriga

Ethan David sa 'grooming' issue: 'I was the 13 yrs old being referred to!'

Sa recent virtual mediacon ng nasabing teleserye nakausap ng Balita si Maricel para kumpirmahin ang kanyang pagiging active at pagbabalik uli sa industriya. Aniya, “Sa totoo lang hindi ko alam kung ano yung next. I’m just open. Noong dumating itong opportunity na ito na tinawagan ako for this role. Parang everything just was in the right place at the right time.

“Naalala ko nung last day namin. Sabi ko kay Direk Eric, can you believe it I have not work on a regular teleserye for atleast twenty years and nakuha nating matapos ito until the end and I’m so thankful for the support of everybody, for the patience, for the love, the kindness and just everything. I don’t know what’s next and lahat naman tayo naghihintay lang kung ano ang susunod. Pero I think I’m more ready now than before.

“And nakita ko rin my family is able to just look after each other more than before so parang mas mayroon akong confidence to work in showbiz more. Yun lang ang masasabi ko.”

Open naman daw si Maricel lumabas sa ibang network kahit daw wala pang plans basta bukas ang pinto niya sa mga opportunities. Ibinahagi rin ni Maricel ang kanyang naging experience sa lock in taping.

“Ang maganda kasi sa aming experience is alaga kami ng mabuti ng aming production. Meron kaming testing before, meron kaming testing pagdating sa mismong site na kung saan kami tutuloy. Ang ganda ng accommodations namin, tuluy tuloy yung pagkain namin.

“So all these things combined plus yung very set working hours for protocols to be followed nagbibigay sa amin ng maayos na pahinga and then a systematic way of working in the set. Mayroon kaming two units so naka-separate yung dalawang units na iyon. And madali mong maagapan kung mayroon mang nangyari sa isang unit. You can just isolate them. So that’s why what I appreciate here kasi matagal nga akong wala sa industriya and nataon pa na pandemic.

“Tapos may sistema ang sarap parang ayaw namin talaga maghiwalay sa totoo lang. Praise God talagang everybody is safe and well and eto na excited kaming makita ninyo kung ano yung katapusan for now? I think na ang amin talagang project na minahal at talagang inenjoy gawin,” pagtatapos ni Maricel.