INAASAHAN ang matikas na salpukan ng Laguna Heroes at Camarines Soaring Eagle sa paghaharap sa Professional Chess Association of the Philippines (PCAP) Finals ngayong weekend sa chess.com.
Suportado ng Greatech Philippines, Inc., SDC Global Choice, Jolly Smile Dental Clinic at ng Rotary Club of Nuvali, ang Laguna Heroes ay pangungunahan nina 2-time Asian Junior Champion Grandmaster Rogelio "Banjo" Barcenilla Jr., Grandmaster John Paul Gomez at Fide Master Austin Jacob Literatus.
Ginapi nila sina Grandmaster Oliver Barbosa, Fide Master Arden Reyes at International Master Ricardo de Guzman ng San Juan Predators, ayon sa pagkakasunod nitong Miyerkoles sa Northern finals.
Ang Laguna Heroes at San Juan Predators ay nag tabla sa tig 10.5 points matapos ang seven boards sa second day ng match para mapuwersa Armageddon play sa Northern Conference Finals. Una ng dinaig ng Laguna Heroes ang San Juan Predators, 12.5-8.5, sa first match of the day.
Ang iba pang miyembro ng Northern Conference team ruler Laguna Heroes ay sina Woman National Master Jean Karen Enriquez, Fide Master Jose Efren Bagamasbad, Vince Angelo Medina, Kimuel Aaron Lorenzo, Candidate Master Arjie Bayangat, engr. Benjamin Dy, engr. Jonathan Mamaril, Mr. David Nithyananthan at head coach Arena Grandmaster Dr. Alfredo "Fred" Paez.
Habang ang Camarines Soaring Eagle ang nanguna sa Southern Conference Finals matapos makaungo sa Iloilo Kisela Knights, 2-1, sa isa pang do or die Armageddon play.
Sina Grandmaster Mark Paragua at Ellan Asuela ang nagtala ng kambal na panao matapos talunin sina 13-time Philippine Open Champion Grandmaster Rogelio "Joey" Antonio Jr. at Fritz Bryan Porras, ayon sa pagkakasunod.
Pinayuko naman ni National Master Karl Victor Ochoa si Christian Mark Daluz para mapigil ang possible shut-out loss ng Iloilo Kisela Knights.
Naghati ng panalo ang Camarines Soaring Eagle at ng Iloilo Kisela Knights split the score 11.5-9.5, 10-11, sa first two matches tungo sa Armageddon play.
Ang iba pang miyembro ng engineer Jojo Buenaventura own Camarines Soaring Eagle team ay sina Ezraline Alvarez, Virgenie Ruaya, Raul Fernandez, National Master Carlo Lorena, National Master Ronald Llavanes at Virgen Gil Ruaya.