ni Bert de Guzman

Isang taon mula nang unang ipatupad ang lockdown sa bansa bunsod ng pananalasa ng COVID-19, binigyang-puri at parangal ni Vice President Leni Robredo ang mga health worker at frontliners na patuloy na nakikibaka laban sa virus.

Sa kanyang personal Twitter account, sinabi ni Robredo na sa loob ng isang taon, libu-libong buhay ang nawala, milyun-milyong Pilipino ang nawalan ng trabaho at marami ang labis ang takot at pangamba.

Sa pamamagitan, aniya, ng health workers at iba pang frontliners, natulungan ang mga mamamayan sa pagharap sa hamon ng pandemya.

Probinsya

Lalaking nambuhos ng mainit na kape sa jowa, sugatan matapos tagain at gantihan

"Labis-labis ang utang natin sa mga health frontliner na siyang napakalapit sa panganib ng COVID-19 araw-araw. Their courage and heart reverberate across hospitals and health centers, in testing centers, in barangay clinics and down at the communities," anang Vice President.

Pinasalamatan din ni Robredo ang mga opisyal ng lokal na pamahalaan dahil sa pagkilos at tamang mga hakbang sa panahon ng pandemic, gaya ng mabilis na paghahatid ng relief goods at serbisyo, suporta sa medical workers at tech-based approaches para sa contract tracing.