AFP

Hinimok nitong Miyerkules ng UN envoy sa Myanmar ang Security Council na kumilos sa lumalalang krisis ng bansang Asyano, nagbabala sa peligro ng giyera sibil at isang napipintong pagdanak ng dugo habang marahas na pinipigilan ng junta ang mga protesta para sa demokrasya.

Tinatayang 3,000 katao na ang tumakas sa  Myanmar padaan sa mga kagubatan para magkanlong patawid sa mga hangganan ng Thailand matapos ang mga strike nitong weekend. AFP

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina

Mahigit sa 520 katao ang namatay sa pang-araw-araw na demonstrasyon mula nang ibagsak ng militar ang nahalal na pinuno na si Aung San Suu Kyi noong Pebrero 1, na huminto sa dekada na eksperimento ng Myanmar sa demokrasya.

"I appeal to this Council to consider all available tools to take collective action and do what is right, what the people of Myanmar deserve and prevent a multi-dimensional catastrophe," sinabi ni special envoy Christine Schraner Burgener sa closed-door session, ayon sa mga nakuhang pahayag ng AFP.

Sinabi niya na nananatili siyang bukas pra sa diyalogo sa junta ngunit idinagdag na: "If we wait only for when they are ready to talk, the ground situation will only worsen. A bloodbath is imminent."

Sinabi ni Barbara Woodward, ang UN envoy mula sa Britain, na humiling sa pagpupulong, reporters na ang Security Council ay "united in its condemnation" at tinatalakay ang "a range of measures at our disposal."

Ngunit ang China, itinuturing na pangunahing kaalyado ng Myanmar, ay ibinasura ang sanctions.

"One-sided pressure and calling for sanctions or other coercive measures will only aggravate tension and confrontation and further complicate the situation, which is by no means constructive," sinabi ni China ambassador, Zhang Jun, sa pagpupulong, ayon sa isang pahayag.

Ang sesyon ay dumating matapos sabihin ng legal team ni Suu Kyi noong Miyerkules na ang napatalsik na pinuno ay tila malusog sa kabila ng dalawang buwan na pagkakakulong.

Si Suu Kyi, 75, ay hindi pa napapanood sa publiko mula nang maalis siya sa pwesto ngunit ang isang miyembro ng kanyang legal team, l si Min Min Soe, ay ipinatawag sa isang istasyon ng pulisya sa kabiserang Naypyidaw para sa isang video meeting sa kanya.

Si Suu Kyi ay nahaharap sa mga kasong krimin,at kapag nasakdal ay maaari siyang pagbawalab sa pagtakbo sa puwesto habambuhay.

Ang kudeta at ang kasunod na mga aksyonng junta ay nagbunsod ng pagkondena ng buong mundo.