ni Nora V. Calderon

MEDYO late na ang Instagram post ni international stage actress-singer Rachelle Ann Go-Spies sa pagsisilang niya ng baby boy nila ng US business husband niyang si Mark Spies. Caption ni Rachelle: “Lukas Judah Spies has arrived! Born on March 26, 2021. Ipinaliwanag pa ni Rachelle ang meaning ng ibinigay nilang pangalan sa anak:

Lukas – bringer of light,   Judah – praised, let Him be praised!

Tsika at Intriga

'As a nation di tayo makausad!' Tuesday sinita mga 'eksenang airport' ng Pinoy

April, 2018 nang ikasal sina Rachelle at Mark in a Christian wedding sa Boracay. Pagbalik nila sa London, mula sa Pilipinas, tuluyan na silang doon nag-reside, dahil umalis na rin ng New York si Mark para magkasama na silang mag-asawa sa London.

In November 2020, sabi ni Shin (Rachelle) na preggy na noon, parang hindi pa rin niya kayang maging isang ina, may takot siya, but she credited her faith na tulungan siya nitong maging handa para sa darating nilang first baby ni Mark. Tamang-tama naman na bago muling nagkaroon ng ECQ sa NCR dahil sa COVID-19 pandemic, nakaalis na papuntang London ang Mama Russell ni Shin at kasama na niya ang ina nang magsilang siya last March 26.

Congratulations Mark and Rachelle!