ni Bert de Guzman
Isang panukalang batas ang inihain sa Kamara na ang layunin ay palawigin ng 24 buwan ang probationary employment ng isang mangggawa o kawani upang makatulong sa ekonomiya sa gitna ng COVID-19 pandemic.
Nanawagan si Probinsyano Ako Party-list Rep. Jose C. Singson, Jr. sa kapwa mga mambabatas na ipasa ang House Bill 4802, na mag-aamyenda sa Article 296 ng Presidential Decree 442 o ng Labor Code of the Philippines.
Umapela siya kay Speaker Lord Allan Velasco na isama ang panukala sa legislative priorities ng Kapulungan sapagkat magkakaloob ito ng benepisyo sa mga managgawa na apektado ng COVID-19.
Hiniling din ni Singson sa House Committee on Labor na magtakda ng pagdinig tungkol dito bilang alternatibo sa paglutas sa isyu ng “endo” (end of contract) bansa.
“I think now is the time to put HB 4802 for deliberation and consider its advantages not only under the COVID-19 conditions, [but also] when normalcy returns,” saad ng kongresista na tagapangulo ng House committee on public accounts.
Sa ilalim ng HB 4802, ipagkakaloob ang 24-month probationary period sa mga kawani sa halip na anim na buwan na ipinatutupad sa kasalukuyan.