ni Marivic Awitan

TIYAK nang may kinatawan ang bansa sa basketball event ng Tokyo Olympics.

Ito'y matapos ang naging nominasyon ni PBA supervisor of referees at technical head Ferdinand "Bong" Pascual para maging bahagi ng officiating crew para sa men's at women's basketball competition ng Tokyo Games sa Hulyo.

Ikalawang pagkakataon ito ni Pascual na nagging bahagi rin sa Rio Games noong 2018.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Wala sa hinuwa ng beteranong referee na hindi na mauulit ang nagging responsibilidad sa international basketbak mula nang maging bahagi ng officiating sa 2019 FIBA World Cup.

Ngunit ang pagbabago sa ruling ng FIBA ang muling nagbukas ng oportunidad para kay Pascual upang makapag-officiate at mapabilang sa limang Asians na napiling magung bahagi ng Tokyo Games.

"It's a great honor and wonderful gift. Magsi-celebrate ako ng birthday ko sa Tokyo.Last hurrah ko na talaga ito dahil di na ako bumabata,"ani Pascual.

Mauuna rito, nakatakda ring mag referee si Pascual sa Olympic Qualifying Tournament sa Victoria, Canada sa Hunyo 29-Hulyo 4.

Bago ang Rio Olympics stint ni Pascual, si Medardo Felipe ang tanging Filipino referee ang napahanay sa elite group ng mga referees sa Olympics.