ni Martin Sadongdong

Habang umaasa ang gobyerno sa all-out vaccination parang mapigilan ang pagkalat ng coronavirus, isang top official in-charge ay inamin na humaharap ang Pilipinas ngayon sa isangsevere or acute shortageng global supply ng vaccines.

“We have a tension in our supply considering that the different countries are escalating their vaccination. With these, they are prohibiting from exporting [the vaccines] from their production so this is really our problem right now. We have a severe, acute shortage in the global supply,” sabi ni Galvez.

Mula noong Lunes, sinabi ni Galvez na 1,233,500 vaccines na ang na-deploy nationwide. May supply ngayon ang ating bansa ng 2,525,600 vaccines.

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

Third quarter pa lang noong nakaraang taon ay nangako na si President Duterte sa mga Filipino na matatapos ang coronavirus pandemic noong Nobyembre or Disyembre dahil ang mga scientists at pharmaceutical companies ay nagmamadali na rin makagawa ng vaccine.

Sa kabila ng paulit-ulit na pagsabi na darating na ang mga vaccines, lumabas na ang gobyerno natin ay hindi pala nakakuha. Bilang resulta, nakikipag-usap pa rin ang Pilipinas para makakuha ng vaccine habang ang ibang bansa tulad ng Afghanistan, Laos at Myanmar ay namimigay na ng libreng vaccination mula pa noong Disyembre at nitong Enero.

Ang unang batch ng COVID-19 vaccine ay mula sa donasyon ng China at sa COVAX facility sa World Health Organization. Dumating noong Pebrero ang unang batch, dalawa o tatlong buwang nahuli sa pinangako ng gobyerno na pagdating ng vaccine.

Samantala, nasa 668,018 na ang nabigyan ng vaccine sa ating bansa. Ito ay 40% mula sa 1.7 milyong health workers o A1 priority na target na mabigyan ng vaccine hanggang Abril.

Nagkaroon ng bagong surge ng COVID-19 infection sa bansa na nagging dahilan upang ilagay ulit ng gobyerno ang National Capital Region, Bulacan, Cavite, Laguna, at Rizal sa enhanced community quarantine (ECQ) mula Marso 29 hanggang Abril 4.

Sa katunayan ay 10,016 na bagong kaso ang naitala noong Monday, pinakamataas para sa isang araw sa ating bansa

Sa unang linggo ng vaccination program na nagsimula noong Marso 1, sinabi ni Galvez na 35,000 lang ang nabakunahan laban sa COVID-19.

Sa pangalawang linggo, tumaas na ang bilang sa 170,862. Mas maraming tao ang nabakunahan na dagdag sa 179,626 na nabakunahan sa ikatlong linggo. Sa ikaapat na linggo ay umabot na ang bilang sa 279,028.

Umaasa si Galvez na madagdagan ang mababakunahan kapag dumating sa Lunes ang isang milyong CoronaVac shots na manggagaling sa China.

Sa Abril, 1.5 milyong CoronaVac vaccine ang dadalhin ng Sinovac sa Pilipinas habang 2 milyon ang darating sa Mayo.

Ngunit inihayag ni Galvez na binawasan ng Russia ang Gamaleya Research Institute-developed Sputnik V vaccines ng Pilipinas mula 3 milyon na naging 100,000 na lang.

“We are requesting for three million but they committed only 100,000,” sabi ni Galvez

Sinabi niya na ang Department of Foreign Affairs ay makikipagusap sa Russian Prime Minister upang maibalik sa 3 milyon ang bilang ng vaccine.

“Talaga pong three million ang kailangan natin kasi po pwede po itong gamitin sa senior citizen (We really need three million [doses] because we can use it for the senior citizens),” sabi ni Galvez kay Duterte.

Ang delivery na 400,000 AstraZeneca jabs mula sa Covax facility ay naantala din ng halos isang linggo. Ang mga bakuna ay dapat na dumating pa noong Marso 22 bilang bahagi ng pangalawang tranche ng supply na nakuha ng ating gobyerno sa Covax.

Ayon kay Galvez ay darating ang mga bakuna sa Abril 2 o bago ang Abril 2.