Tuwing Marso 22 kada taon ay ipinagdidiwang natin ang World Water Day na naglalayong makagawa ng malaking pagbabago sa kinakaharap nating global water crisis. Mahigit 2.2 bilyong tao ang nabubuhay na walang nakukuhanan ng malinis na tubig. Ito ay nakatawag pansin sa planong United Nations’ Sustainable Development Goal (SDG 6): water and sanitation for all by 2030..
Sa Pilipinas ay hindi ito kapansinpansin lalo na’t mas inuna ang pagaasikaso sa pagkalat ng new surge ng COVID-19 na naging dahilan ng pagkakaroon ulit ng quarantine restrictions matapos ang mahigit isang taon mula nang kumalat nag virus.
Noong World Water Day Marso 2017, inanunsiyo ng San Miguel Corporation (SMC) ang plano nitong pagbabawas ng paggamit ng kanilang operational water ng 50% sa pamamagitan ng water recycling conservation at rainwater harvesting at target nila ang taong 2025.
Pagpapahalaga sa tubig ang tema ngayong taon. Ang kakulangan sa pagpapahalaga sa buong kakayahan ng tubig ang sinasabi nilang dahilan ng pagsasayang at maling paggamit nito.
Idineklara ni UNESCO Director General Audrey Azoulay na:“Water is our most precious resource, a ‘blue gold’ to which more than 2 billion people do not have direct access. It is not only essential for survival, but also plays a sanitary, social and cultural role at the heart of human societies.”While “price” and “cost” are readily quantifiable, “value” includes social and cultural dimensions, according to the UN World Water Development Report 2021, as it asks: “How do we quantify the meaning of the 443 million schooldays missed annually due to water-related diseases?”
Ang limang paraan upang mapahalagahan ang tubig ay makapagbibigay ng gabay na malaki ang maitutulong sa atin.
Una, ang pagpapahalaga sa pinagmulan ng tubig at sa ecosystem: lahat ng tubig na kinukuha para magamit ng tao ay kusang bumabalik sa kalikasan kasama ang mga contaminants. Ang pagprotekta sa kalikasan ay nagbibigay ng magandang kalidad ng tubig at makakatulong laban sa baha at tagtuyot.
Pangalawa, pagpapahalaga ng water infrastructure for storage, treatment at supply na nagdadala sa tubig kung saan ito mas kailangan at tumutulong sa paglilinis at pagbabalik nito sa kalikasan matapos itong gamitin.
Pangatlo, pagpapahalaga sa water services: ang tubig na iniinom, para sa sanitasyon at kalusugan sa mga bahay, paaralan, trabaho at iba pang pasilidad na kinakailangan ng tubig; malaking bagay ang tubig lalo na sa kalusugan natin ngayong may COVID-19 pandemic.
Pang-apat, pagpapahalaga sa tubig bilang isang input to production and socio-economic activity: sa pagkain at agrikultura, enerhiya at industriya, negosyo at trabaho. Ang kakulangan sa tubig, pagbabaha at climate change ay maaaring makapagtaas ng gastos at makapagpatigil sa pagbabahagi ng tubig.
Panglima, pagpapahalaga sa socio-cultural na aspekto ng tubig kasama ang libangan, kultura at mga ispirituwal na katangian nito. Mahalaga ang tubig sa bawat parte ng kultura pero ang katangiang pinapahalagahan sa mga ito ay mahirap kuwentahin o bigkasin.
Kasama ang iba pang world leaders sa adbokasiya ng pagpapahalaga ng tubig ay binigyang diin ni Pope Francis ang pinakaimportanteng paggamit dito:“Those who enjoy a surplus of water yet choose to conserve it for the sake of the greater human family have attained a moral stature that allows them to look beyond themselves.”