PARA kay Jaymiel Piel, co-champion sa katatapos na 2021 Marinduque National Age Group Chess Championships Boys Under-12 Southern Tagalog qualifying leg nitong Linggo ay nagbigay sa kanya ng kumpiyansa sa mas mabigat na misyon na maangkin ang korona sa Under-14 sa pagtulak ng Mayor Atty. Rolen C. Paulino National Age Group Online Chess Championships - Northern Luzon Leg ngayon Sabado.

PIEL: Future chess master

Ang batang chess genius mula Ternate, Cavite na Grade 4 pupil ng Maragondon Elementary School ay nakalikom ng 5.5 points sa seven outings para makapuwersa sa three way-tie for first kasama sina Ivan Travis Cu ng San Juan City at Gabriel Ryan Paradero ng Pasig City.

PBA, hinihingi panig ni Amores; makabalik pa kaya sa liga?

Matapos ipatupad ang tie break point ay nakamit ni Cu ang titulo, nagkasya si Paradero sa 2nd place habang lumagay si Piel sa 3rd place.

Tumapos din si Piel sa third sa likod nina eventual champion Paradero at second placer Vhea Ashley Silvano ng Canlaon City, Negros Oriental sa LS Online Friday 118th Chess Arena nitong Marso 26, 2021.