ni Annie Abad

PANSAMANTALANG sinususpinde ng Philippine Sports Commission (PSC) ang training ng mganational athletes sa Maynila at karatig probinsya gaya ng Bulacan, Cavite, Laguna at Rizal bilang pagtugon sa ipinapatupad ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) kontra Covid-19.

Inabisuhan ng ahensiya ang mga national athletes, coaches at ang mga national sports association (nsa) Linggo ng gabi.

Ang nasabing pagsuspinde ay nagsimula kahapon Marso 29 hanggang Abril 4, kasabay ng ipinapatupad na ECQ sa Luzon. Hindi muna maaring magsagawa ng kahit na anong training sa indoor at outdoor sa mga lugar na nabanggit.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Ibig sabihin, kahit ang pagtakbo at pagsasanay ng rowing team ay hindi run papayagan bilang pagtugon sa gobyerno.

Tanging ang online training ang papayagan ng PSC na maisagawa ng mga atleta at mga nsas.

“The NSAs are encouraged to practice online individual training and no group activities shall be conducted,” bahagi ng abiso na ipinalabas ng PSC.

Mula pa noong Enero 16, ang national taekwondo team ay nasa loob na ng Calambubble para maghanda sa Olympic Qualifying Tournament.

Kabilang sa team na nagsasanay doon sina Kirstie Alora, Pauline Lopez, Kurt Barbosa, Arven Alcantara, Joseph Chua, Samuel Morrison, Jessica Canabal at Laila Delo.

"NCR-plus will be under ECQ until Sunday.Further, all national training pool members must ensure proper compliance with relevant precautionary measures of the DOH (Department of Health) and IATF (Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases) issued health and safety protocol at all times,” ayon pa sa PSC statement.