ni Marivic Awitan
IMPRESIBO ang ipinamalas ng Filipina fencer na si Samantha Catantan sa kanyang unang pagsabak sa NCAA Division I Fencing Championships matapos magwagi ng third-place trophy at mapabilang sa All-American selection sa women’s foil sa Bryce Jordan Center sa University Park, Pennsylvania, USA.
Ang All-American selection ay itinuturing na pinakamataas na karangalan na iginagawad sa isang student-athlete sa US NCAA.
Nabigo ang freshman na si Catantan sa kanyang semifinal match kontra sa senior na si Lodovica Bicego, 14-15, kung kaya bronze ang kanyang nakamit.
Lumamang pa ang Pinay sa nasabing laban, 14-13 , bago tinapos ng Italyana ang laban sa pamamagitang dalawang sunod na hits upang tapusin ang pag-sa ng una na lumaban para sa gold.
Nauna rito, dinomina ng produkto ng University of the East High School ang round of pools sa pamamagitan ng pagwawalis ng lahat ng kanyang 20 matches.
Sunod na sasabak si Catantan kasama ng kapwa Pinoy at NCAA first timer ding si Lance Tan sa 2021 World Junior and Cadet Championships na magsisimula sa Abril 3 sa Cairo, Egypt .