Ni Edwin Rollon

BALIK sa lockdown ang mga apektadong lalawigan sa bagong pagsirit ng COVID-19 cases. Ngunit, walang dapat ipagamba ang mga atletang lisensiyado sa Games and Amusements Board (GAB).

Tuloy ang programa ng GAB, sa pakikipagtulungan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), para mabigyan ng ayuda ang mga boxers, at combat sports fighters na mga natengga sa pagpapatupad ng community quarantine para labanan ang COVID-19 pandemic.

Trending

Girlfriend, kinamuhian ng jowa dahil aksidenteng nalabhan ang relo nito

Tinanggap ni Jeffrey Alejandre ang tseke na bahagi ng tulong ng GAB sa Boxers Welfare Funds.

“Nakakalungkot at talagang sapol ng pandemic ang sector ng sports. Kami naman po sa GAB ay handang tumulong para naman kahit papaano ay maibsan ang hinagpis ng ating mga pro boxers at combat sports fighters,” pahayag ni GAB Chairman Abraham ‘Baham’ Mitra.

Kamakailan, mga atleta sa Cebu ang nakatanggap ng ayuda sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situation Program (AICS) ng GAB. Sa pagsisimula ng lockdown sa nakalipas na taon, kagyat na nakipag-ugnayan ang GAB at sa DSWD at Department of Labor and Employment (DOLE) upang maisama ang mga boxers at fighters sa Social Amelioration Program (SAP) para mabigyan ng ayudang P5,000 cash ang mga atleta.

Ayon kay Mitra, tuloy din ang ayuda sa ilalim ng GAB Boxers Welfare Fund (BWF) at kabilang si professional boxer Jeffrey Alejandre sa naging benepesaryo nito kamakailan. Ang BWF ay isa sa mga programa ng GAB kung saan nagbibigay ng tulong pinansiyal sa mga boxers na nagtamo ng injury, may seryosong karamdaman at kamatayan,