ni Mary Ann Santiago

Inirekomenda ng Department of Health (DOH) sa pamahalaan ang pagkakaroon pa ng 1-week extension o pagpapalawig pa ng isang linggo, ng muling pinairal na enhanced community quarantine (ECQ) sa National Capital Region, Cavite, Laguna, Rizal at Bulacan o NCR Plus bunsod nang patuloy na pagtaas nang naitatalang mga kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, ang ideyal talaga ay maipatupad ang ECQ sa loob ng dalawang linggo upang makita ang epekto nito.

Gayunman, hindi pa aniya ito pinal at kinakailangan pa ng assessment ng ECQ bago ito magtapos sa Abril 4.

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?

Magsasagawa rin aniya ang DOH at National Economic and Development Authority (NEDA) ng cost-benefit analysis upang tukuyin ang impact ng ECQ extension sa ekonomiya at sa public health.

“Extension for another week was recommended but nothing is final and IATF works in a whole of government approach. There will be an assessment of the progress before ECQ ends,” pahayag ni Vergeire.

“The ideal would really be two weeks so that we can be able to see that effect that we would want,” aniya pa.

Matatandaang simula nitong Marso 29 ay nagpatupad muli ang pamahalaan ng ECQ sa NCR Plus na nakitaan nang patuloy na pagtaas ng COVID-19 cases nitong mga nakalipas na araw.

Magtatagal ang ECQ sa loob ng isang linggo lamang ngunit ayon sa top epidemiologist ngDOH ay hindi ito sapat upang masustenahan ang downtrend ng mga kaso ng sakit.

Nitong Lunes ng hapon, nakapagtala muli ang Pilipinas ng record-high na 10,016 new infections ng sakit, sanhi upang umabot na ang national tally sa 731,894. Sa naturang bilang, 115,495 ang aktibong kaos, 603,213 ang recoveries at 13,186 ang sinawimpalad na bawian ng buhay.