DAGOK sa Philippine sports ang muling pagpapatupad ng istriktong Enhanced Community Quarantine (ECG) sa loob ng isang linggo matapos ang paglaki ng bilang ng mga kaso ng virus..

Ngunit, walang dapat alalahanin ang chess community.

Ipinahayag ng National Chess Federation of the Philippines(NCFP) na tuloy ang programa ng chess – lahat via online – kabilang ang Luzon LegngPhilippine Sports Commission-NCFP selection tournamentna magsisimula ngayon hanggang Huwebes.

Ang naturang event na itinataguyod ni NCFP president and senior Deputy Speaker Butch Pichay, ang una sa serye ng mga torneo tungo sa Grand Finals kung saan ang mga mangungunang players sa men at women class ay mabibigyan ng slots sa national team.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Libre ang pagpapatala sa paglahok.

“This is an opportunity for a Filipino chess player to become member of the national team,” pahayag ni tournament director Grandmaster Jayson Gonzales.

Matapos ang Luzon leg, sunod na isasagawa ang Visayas leg sa April 13-15, habang ang Mindanao edition ay sa April 20-22. Ang quarterfinals ay sa April 27-29), habang ang semifinals ay sa May 11-13 at ang grand finals ay sa July 2-4).

Sa mga interesadong lumahok, makipag-ugnayan kina Michelle Yaon sa 0910-3726152 at Susan Neri sa 0933-5505019.

Sinimulan na rin ng NCFP ang pagsasagawa ng Marinduque Southern Luzon Leg, habang nakatakda rin ang qualifying tournament para sa Philippine Team na isasabak sa Southeast Asian Games, World Chess Olympiad, National Seniors at National Championships, gayundin ang Battle of Grandmasters.