NEW YORK (AFP) — Kumana si James Harden ng 38 puntos, 13 assists at 11 rebounds para pantayan ang marka ng Nets’ single-season record na 12 triple-double sa loob lamang ng 32 laro matapos gapiin ng Brooklyn ang Minnesota Timberwolves, 112-107, nitong Lunes (Martes sa Manila).

Hataw din s Kyrie Irving na may 27 puntos sa pagbabalik laro matapos lumiban a nakalipas na tatlong laro sa road game.

Naitala ni Hall of Famer Jason Kidd ang 12 triple-doublespara sa Nets noong 2006-07 at 2007-08 seasons. Naisubi ng Nets ang ika-18 panalo sa huling 21 laro.

Nanguna si Karl-Anthony Towns sa Wolves na may 31 puntos at 12 rebounds.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

WARRIORS 116, BULLS 102

Ratsada ang two-time MVP sa naiskor na 32 puntos, tampok ang anim na three-pointer pra sandigan ang Golden State laban sa Chicago Bulls. Hindi nakalaro si Curry sa huling limang lban ng Warriors bunsod ng injury sa tailbone.

Nag-ambag si Draymond Green ng 11 puntos, siyam na assists at limang rebounds sa panalo ng Warriors kung saan lahat ng starter ay umiskor ng double digit.

Nanguna si Nikola Vucevic sa Bukks na may 21 puntos.

WIZARDS 132, PACERS 124

Sa Washington, ginapi ng Wizards, sa pangunguna ni Russell Westbrook na may 35 puntos at season-high 21 assists at 14 rebounds , ang Indiana Pacers.

Ito ang ika-16 triple double ni Westbrook ngayong season.

Sa iba pang laro, pinulbos ng Utah Jazz ang Cleveland Cavaliers, 114-75; tinusta ng Miami Heat ang New York Knicks, 98-88; tinalo ng New Orleans Pelicans ang Boston Celics, 115-109; pinatahimik ng Dallas Mavericks ang Oklahoma City Thunder, 127-106; pinasabog ng Memphis Grizzlies ang Houston Rockets, 120-110; naihawla ng Detroit Pistons ang Toronto Raptors, 118-104; pinasuko ng Sacramento Kings and San Antonio Spurs, 132-115; nabitag ng Los Angeles Clippers ang Milwaukee Bucks, 129-105.