MATAPOS ang ilang buwang paghihintay, isang magandang balita para sa mga mananampalataya sa Archdiocese ng Maynila ang pagtalaga ng Vatican nitong Marso 25 kay Cardinal Jose Fuerte Advincula, Jr. bilang kanilang bagong Arsobispo. Sumabay ito sa selebrasyon ng Annunciation, nang ianunsiyo kay Maria na siya ay maglilihi at magiging ina ng Hesus Kristo.
Si Advincula ay isa sa tanging apat na Kardinal na mayroon ngayon ang Simbahang Katoliko sa Pilipinas. Retirado na sina Kardinal Gaudencio Rosales at Orlando Quevedo habang si Luis Antonio Tagle ay kasalukuyang nagsisilbi bilang isa sa 11 cardinal-bishops sa pinakamataas na konseho ng Vatican governance. Malinaw na pinili ni Pope Francis si Advincula, ang kasalukuyang highest-ranking Catholic prelate sa bansa, upang pamunuan ang Archdiocese ng Maynila bilang pagkilala sa estratehikong kahalagahan nito.
Sinasakop ng Archdiocese ng Maynila ang mga lungsod ng Maynila, San Juan, Mandaluyong, Makati at Pasay. Bilang isang metropolitan archdiocese, kabilang din dito ang siyam na suffragan dioceses – ng Antipolo, Cubao, Imus, Caloocan, Malolos, Novaliches, Parañaque, Pasig at San Pablo – at sama-sama binubuo nila ang isang ecclesiastical province na sumasakop sa buong National Capitol Region at sa mga probinsiya ng Rizal, Bulacan, Laguna at Cavite.
Ilan iskolar ang nagtala na ang punla sa tulungang pagwawakas ng kolonyal na pamumuno ng mga Espanyol sa Pilipinas ay itinanim ng dating diyosesis ng Maynila na itinatag noong 1579. Ang kilusan para sa pagtatatag ng isang “autonomous diocesan clergy” upang wakasan ang monopolyo sa posisyon sa Simbahan ng mga Espansyol na prayle na bahagi ng iba’t ibang kongregasyon, na humantong sa pagbitay sa pamamagitan ng guillotine sa tatlong Pilipinong pari—sina Mariano Gomez, Jose Burgos and Jacinto Zamora – kilala bilang Gomburza, noong 1872.
Ang kanilang pagkamatay ang nagtulak kay Jose Rizal na itatag ang La Liga Filipina na nagsusulong ng reporma kabilang ang pagkilala ng Espanya sa Pilipinong klero. Ang pagkamatay ni Rizal noong 1896 ang nagbigay-diin sa kawalang-saysay ng mapayapang adbokasiya para sa reporma, na nagpasiklab sa pagtatatag ng Katipunan, at kalauna’y pagbagsak ng kolonyal na pamumuno ng Espanya noong 1898.
Bagamat ang teritoryo ng metropolitan Archdiocese ng Maynila ay sumasakop lamang sa mga siyudad ng Maynila, San Juan, Mandaluyong, Makati at Pasay, bahagi rin dito ang siyam na suffragan dioceses: Antipolo, Cubao, Imus, Caloocan, Malolos, Novaliches, Parañaque, Pasig at San Pablo. Ang metropolitan archdiocese at ang suffragan dioceses ang bumubuo sa isang ecclesiastical province.
Bilang mula sa isla ng Panay, isang taal ng Dumalag, Capiz at dating Arsobispo ng Capiz, ang pagkatala kay Advincula ay pumukaw ng pagkukumpara kay Sin, na tubong New Washington, Aklan at dating Asrobispo ng Jaro (Iloilo).
Serviam (Makikinig Ako) ang sawikain ni Cardinal Sin; para naman kay Cardinal Advincula, ito ay Audiam ( Makikinig Ako). Hindi katulad ni Sin na itinalaga sa edad na 45 at nagsilbi sa loob ng 29 na taon hanggang sa kanyang pareretiro noong 2003, ang pagkatalaga kay Advincula ay inanunsiyo limang araw bago ang kanyang ika-68 na kaarawan.
Ang kanyang malumanay na ugali ay masisilayan sa kanyang Christmas 2020 message na umere sa Radio Veritas. Binanggit niya ang naging pahayag ni Arkanghel Gabriel kay Maria sa panahon ng Annunciation: “Do not be afraid, Mary, for you have found grace with God.” Sa gitna ng pagkabagabag at kahinaan na dala ng pandemya, sinabi niyang ang Kristiyanong mensahe ng pag-asa at kaligayahan ay maisasabuhay sa prisensiya ng Diyos sa gitna ng araw-araw na paghihirap ng sankatauhan: “Do not be afraid of Covid-19. God is with us.”