ni Argyll Cyrus Geducos

Mabibigyan ng tulong pinansyal ang mga maaapektuhan ng isang linggong enhanced community quarantine (ECQ) sa bansa, ito ang tiniyak ng Malacañang kahapon.

Inilabas ni Presidential Spokesman Harry Roque ang pahayag kasunod nang kautusan ni Pangulong na isailalim sa ECQ ang

Metro Manila, Bulacan, Cavite, Laguna, at Rizal, simula Marso 29 hanggang Abril 4.

‘Kaway-kaway mga trentahin at kwarentahin!’ Sikat na Pinoy chocolate, magbabalik na!

Paniniyak ni Roque, marami ang inaasahang mabibiyayaaan ng ayuda dahil mas maliit ito kaysa sa inaasahan.

Kabilang din aniya sa makatatanggap nito ang mga maaapektuhan ng pagsasara ng maraming negosyo.

Gayunman, pinaplantsa pa umano ng pamahalaan ang mga detalye kaugnay ng pagkukunan ng ayuda at paraan ng pamamahagi nito.

Kabilang din aniya sa mabibigyan nito ang mga benepisyaryo ng social amelioration program (SAP).

“Lahat po noong mga nangangailangan ‘no kasi iyan po ang tinitingnan natin – magkano iyong halaga. Sa pagpupulong ng mga Metro Manila mayor, mas gusto nila na mas maraming makinabang, hindi lang iyong mga SAP beneficiaries,” lahad nito.

“Siguro po ang halaga ay mas maliit sa inaasahan pero ang makakatanggap ay mas marami po,” aniya.

“Sana po iyong mga hindi lang nakapagtrabaho ang kumuha ng financial aid ‘no kasi iyan naman po iyong intensiyon natin, iyong mga hindi nakapagtrabaho.”

Isasagawa aniya ang pamamahagi ng ayuda sa susunod na linggo.

“Kasi sa lockdown, mahirap mamigay ng tulong at isang linggo lang naman ito. Pero ang target po natin, hindi rin naman po matatapos ang buwan ng Abril eh, makakarating iyong tulong na ibibigay ng gobyerno sa mga nangangailangan,” dagdag pa ng opisyal.