ni Liezle Basa Iñigo
ISABELA – Matapos ang isang taong pagmamanman, naaresto na rin ng pulisya ang isang Sangguniang Kabataan (SK) chairman na umano’y drug pusher sa isang buy-bust operation sa Bgy. Saranay, Canatuan, nitong Biyernes.
Under custody n ang pulisya ang suspek na si Joren Palomeno, 24, at taga-Bgy. Centro ng naturang bayan.
Binanggit ni Cabatuan Police chief, Maj. Fresiel dela Cruz, matagal kabilang sa Oplan Tokhang si Palomeno, gayunman, hindi ito sumuko sa pulisya.
Nasamsam sa suspek ang hindi pa mabatid na halaga ng illegal drugs.
Inihahanda na ang kaso laban sa suspek.