ni Bert de Guzman
Kabilang sa uunahing bakunahan ang Overseas Filipino Workers (OFWs).
Tinalakay ng House Committee on Overseas Workers Affairs ang pagbibigay-prayoridad sa mga Pinoy worker sa ibang bansa sa coronavirus disease 2019 vaccination program ng gobyerno.Sinabi ni Committee Chairman Rep. Raymond Democrito Mendoza (Party-list, TUCP), na idineklara na ngayon ng recruitment agencies ang pagbabakuna bilang requirement sa pagtanggap sa trabaho ng OFWs.
Sinabi ni Mendoza na ang OFW sector ay umaapela sa pamahalaan na ituring sila bilang essential workers. Sa ngayon, ang OFWs ay kabilang sa Group B5 o ika-10 sa hanay ng prioritized groups.