Agence France-Presse
NAGDULOT ang climate change ng malalaking pagbabago sa istabilidad ng karagatan nang mas mabilis kumpara sa unang ipinalagay, ayon sa isang pag-aaral na inilabas kamakailan, na nagpataas ng alarma hinggil sa tungkulin nito bilang global thermostat at sa yamang-tubig na sinusuportahan nito.
Sinuri sa pag-aaral na inilimbag sa journal Nature ang 50 taon ng datos at sinundan ang daan “in which surface water decouples from the deeper ocean.”
Ginambala ng climate change ang ocean mixing, isang proseso na tumutulong itaboy ang karamihan ng labis na init ng mundo at malaking bahagi ng CO2.
Mas mainit ang tubig sa ibabaw—at mas magaan—kumpara sa tubig na nasa ilalim, isang pagkakaiba na pinatindi ng climate change.
Nagdudulot din ang global warming sa malaking halaga ng fresh water na mapunta sa dagat mula sa mga natutunaw na ice sheets at glaciers, na nagpapababa sa salinity ng “upper layer and further reducing its density.” Ang tumataas na pagkakaiba sa pagitan ng density ng ocean layers ay nagbibigay pahirap sa paghahalo, kaya’t ang oxygen, heat at carbon ay nahihirapang makapasok sa malalim na dagat.
“Similar to a layer of water on top of oil, the surface waters in contact with the atmosphere mix less efficiently with the underlying ocean,” pahayag ni lead author Jean-Baptiste Sallee ng Sorbonne University at CNRS national scientific research centre ng France.
Aniya, bagamat batid ng mga siyentista na nangyayari ang prosesong ito, “we here show that this change has occurred at a rate much quicker than previously thought: more than six times quicker.”
Ginamit ng pag-aaral ang global temperature at salinity observations na nakuha sa pagitan ng 1970 at 2018 — kabilang ang mula sa electronically tracked marine mammals —na tumuon sa mga buwan ng tag-init, na mayroong mas maraming datos.
Sinasabing ang barrier layer na naghihiwalay sa ocean surface at deep layers ay tumatag sa buong mundo— na sinukat sa pagkakaiba ng density — sa mas malaking bilang kumpara sa unang ipinalagay.
Natuklasan din ng mga siyentista, na taliwas sa inaasahan, ang hangin na pinalakas ng
climate change ay nakatulong din upang mapalalim ang ocean surface layer ng lima hanggang 10 metro bawat dekada sa nakalipas na kalahating siglo.
Malaking bilang ng marine animals ang namumuhay sa surface layer, na ang food web ay nakaasa sa phytoplankton.
Ngunit sa paglakas ng hangin, natataboy palalim ang mga phytoplankton, palayo mula sa liwanag na tumutulong upang lumago ito, na potensiyal na sumisira sa mas malawak na food web.
“[These are] not small changes that only some experts care about,” pahayag ni Sallee sa AFP.
“They represent a fundamental change in the underlying structure of our oceans. Way more pronounced than what we thought until now.”
Mahalaga ang ginagampanang tungkulin ng karagatan sa pagpigil ng epekto ng climate change sa pagkuha ng halos isang kuwarter ng man-made CO2 at pagsipsip ng higit 90 porsiyento ng init na nalilikha ng greenhouse gases, ayon sa Intergovernmental Panel for Climate Change (IPCC).
“But by stabilising, the ocean’s role to buffer climate change is made harder as it is made more difficult for the ocean to absorb these vast amounts of heat and carbon,” saad pa ni Sallee.
Patuloy na pinalalakas ng mga siyentista ang alaram hinggil sa potensiyal na epekto ng global warming sa ating mga karagatan.
Noong 2019, sa pagtataya ng isang pananaliksik na inilabas sa US Proceedings of the National Academy of Sciences, uubusin ng climate change ang halos 20 porsiyento ng lahat ng marine life sa mga karagatan, na sinuri gamit ang mass, sa pagtatapos ng siglo.