SA ikalawang sunod na taon, gugunitain ngayong taon ng mga mananampalataya ang panahon ng Mahal na Araw sa harap ng TV, laptop, tablet o smart-phone. Sa ganitong paraan nila isasabuhay ang ritwal na pagwawagayway ng palaspas ngayong Linggo ng Palaspas o Palm Sunday.
Ang imahe ng pagpasok ni Kristo sa Jerusalem sakay ng isang buriko ay malinaw na inilarawan sa naratibo ng ebanghelyo. Bumaba Siya mula sa Bundok ng Olives at nagtungo ng Bethany. Sa pagkalat ng balita na binuhay Niya si Lasarus mula sa pagkamatay, inilatag ng mga tao ang kanilang damit sa daan upang salubungin ang kanyang matagumpay na pagdating.
Ang mga kaganapan sa Mahal na araw ay nagsisilbing pagpapamalas ng sinaunang tradisyon at tanyag na kabanalan.
Iniulat ng mga etnograpo na ang Pilipinong sining ng paghahabi ng palaspas ay buhay na bago pa man dumating ang mga Espanyol sa Pilipinas.
Ayon sa isang salaysay: “Fray Juan de Plasencia recorded in 1589 that the natives of Nagcarlan adorn their houses with woven palm leaves during rituals. The ibus (cooked glutinous rice in palm leaf) or young coconut shoots are woven with designs mimicking stars, birds, pineapples, shrimps and even grasshoppers and sold in church patios as early as the Saturday night prior.”
Ang may basbas na palaspas ay iginagalang sa sinaunang tradisyon sa paniniwalang katulad ito ng anting-anting (amulet or charm) na may kakayahang magtaboy ng masamang espiritu, ngunit hindi ginagarantiya ng simbahan ang sinasabing mahiwagang kapangyarihan nito. Ang dekoradong palaspas ay isinasabit sa harapan ng pinto o balkonahe hanggang sa susunod na taon. Sinusunog naman ang palaspas upang ang abo ay magamit sa ceremonya ng Ash Wednesday.
Ang mga rituwal ng Linggo ng Palaspas ay mayaman sa simbolo at nagbibigay ng ispiritwal na pananaw. Kinakatawan ng tangkay ng palaspas ang kabutihan at sumisimbolo sa pinal na tagumpay ni Kristo laban sa kamatayan na magaganap sa kanyang muling pagkabuhay sa Linggo ng Pagkabuhay o Easter Sunday. Ipinaliwanag ng mga iskolar na pinili ni Kristo na sumakay sa buriko bilang tanda na dumating Siya bilang isang mapagkumbabang hari ng kapayapaan at hindi bilang isang mananakop na mandirigma sakay ng isang kabayo.
Sa Getty Museum sa Los Angeles, California nakasabit ang malaking pintang obra ng
Christ’s Entry into Brussels 1899 ni James Ensor, na isang paggaya sa pagpasok ni Kristo sa Jerusalem na inilipat sa panahon ng 19th century Belgium. Sa paglalarawan ng tagapangasiwa ng museo: “The haloed Christ at the center of the turbulence is mostly ignored, a precarious, isolated visionary amidst the herd-like masses of modern society. Ensor’s Christ functions as a political spokesman for the poor and oppressed --- a humble leader of the true religion.”
Ginamit ito bilang pabalat sa aklat na Leading Change: Overcoming the Ideology of Comfort and the Tyranny of Custom by James O’Toole. Iprinisinta niya ang kabisaan ng pamumunong Kristiyano bilang “rooted in high moral purpose and the consistent display of respect for followers.” Aniya, ang mga tao sa modernong panahon “can lead from the middle of today’s inattentive crowd of individualists by enlisting and including all followers in the process.”
Sa mundok sinusubok ng pandemya at kalupitan ng mga ‘di epektibong lider, hayaan nating buhayin at pasiglahin ng mga aral ng Linggo ng Palaspas ang diwa ng tao.