Ni REMY UMEREZ
TILA spoof sa Chinita Girl ang bagong single ng It’s Showtime host na si Vice Ganda, ang Higad Girl.

Isang pataplis sa mga kating-kating na gustong tikman ang pag-aari na ng iba. Super sa pag-rampa na para kay Vice ay sarap iumpog sa pader. Catchy, hilarious at biting. Bato-bato sa langit ang tamaan na Higad Girl ay huwag magagalit.
Kinatha ang TikTok version all in the name of katuwaan ang para masaya ang pakiramdam anumang oras may pandemya o wala.
Isang taon na ang nakalipas ng gumawa si Vice Ganda ng music video ng Corona Ba-Bye Na. At hindi ito patungkol sa virus.