Ni NORA V CALDERON

 BIRUAN na nagpapaka-busy raw si Glaiza de Castro sa work, para ba hindi niya ma-miss ang Irish boyfriend niyang si David Rainey? Hindi kasi puwedeng magbiyahe from Ireland to the Philippines dahil sa umiiral na COVID-19 pandemic.

Tsika at Intriga

Denise Julia, namaalam muna sa socmed matapos bembangin ni BJ Pascual

Kaya kahit nasa lock-in taping sila ni Rayver Cruz ng Nagbabagang Luha, ay nakagawa pa rin si Glaiza ng bagong acoustic cover niya sa Tiktok, ng kantang On The Ground ni Rosé ng K-pop group na BlackPink.

Natuwa ang mga followers ni Glaiza sa kanyang ginawa kaya umabot na sa more than 400,000 views mula nang i-upload niya ito last March 24. Nakatanggap din si Glaiza ng good comments mula sa mga netizens na nakapanood na nito, kaya may 120,000 likes na ito, sa kanyang social media platforms.

Excited na rin ang mga fans and followers ni Glaiza na mapanood na nila ang actress sa bagong serye, dahil sa mga teasers na ipinalalabas ng GMA-7 ng mga eksena, nakikita na nila kung gaano siya kahusay sa acting. Matagal-tagal na ring hindi napapanood sa bagong serye si Glaiza, dahil ini-replay ng network ang epic series na Encantadia.

Malapit nang mapanood ang “Nagbabagang Luha,” after the Holy Week.