RIYADH (AFP) — Isang pag-atake ng projectile ang nagpaapoy sa isang terminal ng langis sa southern Saudi Arabia, sinabi ng energy ministry ng bansa noong Biyernes, sa ikaanim na anibersaryo ng Riyadh-led military intervention sa Yemen.

Hindi sinabi ng ministry kung sino ang nasa likod ng pag-atake sa lalawigan ng Jizan noong Huwebes, ngunit dumating ito habang pinapataas ng mga rebelde ng Yemen ang mga pag-atake sa kaharian - kasama na ang mga pasilidad sa enerhiya - sa kabila ng alok ng Saudi Arabia ngayong linggo para sa isang tigil-putukan.

“A projectile attack on a petroleum products distribution terminal in Jizan... resulted in a fire in one of the terminal’s tanks,” sinabi ng ministry sa isang pahayag na inilathala ng official Saudi Press Agency, idinagdag na walang iniulat na namatay.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina