ni Annie Abad
WALANG pandemya o anumang virus ang makakapigil sa Philippine Sportswriters Association (PSA) upang ituloy ang gabi ng parangal para sa mga piling atleta, sports officials at mga coaches ngayong Gabi na gaganapin sa TV5 Media Center.
Kabuuang 32 awardees ang pararangalan ng pinakamatagal nang media organization sa bansa.
Pinangalanan bilang Athlete of the Year ang lady golfer na si Yuka Saso bunsod nang matatag na kampanya sa Japan Tour.
Ito ang ikalawang pagkakataon na nakuha ni Saso ang major award sa taunang Gabi ng Parangal kung saan una siyang tinanghal na Athlete of the noong 2019 matapos na magkampeon sa Asian Games sa Jakarta noong 2018 kasama sina Bianca Pagdanganan, Lois Go at Hidilyn Diaz.
Ito ang unang pagkakataon na gagawin ang Awards Night sa pamamagitan ng online feed bilang pagsunod na din sa protocol ng IATF.
Si PSC Chairman William ‘Butch’ Ramirez ang siyang magbigay ng parangal para kay Saso.
Ang nasabing gabi ng Parangal ay ihahatid ng San Miguel Corporation (SMC) at ng Philippine Sports Commission (PSC) at Cignal TV.
Sina Gretchen Ho at Paolo Del Rosario ang host para sa nasabing event.
Kabilang din sa mga pararangalan sina Philippine Olympic Committee President Abraham ‘Bambol’ Tolentino (President’s Award), PBA Commissioner Willie Marcial (Executive of the Year), Alliances of Boxing Association in the Philippines (National Sports Association of the Year).
Kasama rin sa listahan sina basketball godfather Eduardo ‘Danding’ Cojuangco Jr. Para sa (Lifetime Achievement Award).
Kasama naman sa mga awardees sina Alex Eala, at boxers na sina Johnriel Casimero at Pedro Taduran, habang sina boxing legend and Senator Manny Pacquiao ang Chooks-to-Go Fan Favorite ‘Manok ng Bayan.’