ni Mary Ann Santiago
Inaprubahan na ng Toll Regulatory Board (TRB) ang provisional toll rate para sa mga motoristang dadaan sa Skyway Stage 3 (Skyway 3).
Ayon kay TRB Spokesperson Julius Corpuz, para sa Class 1 vehicles, kinakailangang magbayad ng P30 kung mula Sta. Mesa hanggang Ramon Magsaysay Avenue; P129 kung mula Ramon Magsaysay Avenue hanggang Balintawak at P264 kung mula Buendia hanggang Balintawak.
Para sa Class 2 vehicles, kinakailangang magbayad ng P210 kung mula Buendia hanggang Sta. Mesa; P258 kung mula Ramon Magsaysay Ave. hanggang Balintawak at P528 kung mula Buendia hanggang Balintawak.
Sa Class 3 vehicles naman, kinakailangang magbayad ng P315 kung mula Buendia hanggang Sta. Mesa; P90 mula Sta. Mesa hanggang Ramon Magsaysay Ave.; P387 kung mula Ramon Magsaysay Ave. hanggang Balintawak at P792 kung mula Buendia hanggang Balintawak.
Paglilinaw naman ng TRB, ang pag-apruba nila sa provisional toll ay hindi nangangahulugan na mag-uumpisa na sa pangongolekta ang Skyway 3.
Gayunman, sinabi ng TRB na hihintayin muna ng Skyway ang ibibigay nilang authority to collect bago makapangolekta ng toll.