ni Marivic Awitan

DOHA – Makaagapay kaya si Aldin Ayo sa diskartehan sa halfcourt?

Masusukat ang galing ng batikang collegiate coach sa pagsabak ng Manila Chooks TM laban sa pinakamahuhusay na 3x3 basketball players sa 2021 FIBA 3X3 World Tour Doha Masters.

Binubuo ang Manila Chooks TM nina Chico Lanete, Mac Tallo, Zachy Huang, at Dennis Santos.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Sisimulan ng Manila Chooks TM ang kampanya sa qualifying draw stage laban sa Austria’s Graz ganap na 7:30 ng gabi kasunod ang duwelo sa Qatar’s Doha s alas 8:05 ng gabi.

Lamang sa taas ang karibal na binubuo nina 6-foot-9 Fabricio Vay at 6-foot-7 Filip Krämer, habang ang Qatar ay tatandigan nina -foot-7 Abdelrahman Yehia Abdelhaleem at 6-foot-10 Souley Ndour.

“Sa practice pa lang, talagang banggaan na talaga. Napakalakas na rin nila yung katawan namin,” sambit ni Santos, pinakamataas na player ng PH team sa taas na 6-foot-5.

“Going back sa UST days ko, ganun pa rin yung schemes ni Coach Aldin. Same approach pa rin tulad ng ginawa namin kaya naka-Finals kami nung UAAP Season 82 ang ginawa niya dito para sa amin,” pahayag ng 6-foot-2 na si Huang.

Uusad sa main draw ang magwawagi sa qualifying match.

Kumpiyansa naman si Lanete sa laban ng Pinoy.

“Sa darating na laban, siyempre maliliit kami pero ang ibibigay namin sa kanila eh yung bilis namin saka outside shooting. Yun ang power namin,” aniya