ni Jun Ramirez
Binalasa ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang 50 tax examiners sa kani-kanilang puwesto sa Quezon City upang maging epektibo sa pangongolekta ng buwis.
Ito ang inihayag ni BIR Commissioner Caesar Dulay na nagsabing inilabas nito ang sunud-sunod na travel assignment order laban sa 50 examiner batay na rin sa rekomendasyon ni Quezon City Revenue Regional Director Alvin Galanza.
Ikinokonsidera ng BIR na frontliners ang nasabing mga examiner dahil sila ang direktang humahawak sa mga imbestigasyon at nagdedesisyon kung magkano ang dapat na bayarang buwis ng kada indibidwal.
Ayon sa insiders, madalas na nagreresulta sa under-the-table assessment ng tax liabilities kapag nagkaroon ng familiarization sa pagitan ng examiner at taxpayer na kung kaya naging talamak ang “suki-suki” racket sa pagbabayad ng buwis