nina Ador V. Saluta at Dhel Nazario
Sa gitna ng mga alegasyon na ang ilang mga opisyal ay tumatalon sa pila upang makuha ang bakuna sa COVID-19, binato ng mga batikos ang actor na si Mark Anthony Fernandez nang ibalita na nabakunahan siya AstraZeneca sa Parañaque City noong Miyerkules, Marso 24.
Sinabi ni Dr. Olga Virtusio, Head ng City Health Office (CHO) ng Parañaque City, na si Mark Anthony, tulad ng ibang residente ng Parañaque, ay dumaan sa regular na pamamaraan tulad ng pag-apply at pagrehistro upang mabakunahan.
“During the screening, he passed the screening because he has a comorbidity. He’s a hypertensive individual,” sinabi ni Virtusio sa isang tawag sa telepono.
Idinagdag niya na si Mark Anthony ay nahuhulog sa ilalim ng A3 sa listahan ng prayoridad ng bakuna na mga taong may mga comorbidity.
Sa magkakahiwalay na panayam sa ANC noong Miyerkules, sinabi ni Mayor Edwin Olivarez na halos tapos na silang magpabakuna sa mga health workers sa lungsod na nasa 95 porsyento kaya’t lumipat na sila ngayon sa mga susunod sa listahan ng prayoridad.
“Almost of our 3,800 frontliners, medical frontliners, halos tapos na po kami. More than 90 to 95 percent na po yung aming na-inoculate na frontliners,” ani Olivares.
Ipinaliwanag niya na mayroong isang bagong patnubay para sa AstraZeneca na nagbibigay-daan sa kanila na magamit ang mga dosis na inilaan para sa pangalawang turom sa mga taong susunod sa listahan ng priyoridad.
Idinagdag pa niya na dahil sa bagong development na ito, hindi sila lumabag sa anumang mga tagubilin mula sa Department of Health (DOH). Ayon kay Olivarez, binabakunahan nila ang mga senior citizen at ang mga may comorbidities.
“So, sumusunod po kami ngayon, yun atin pong priority category, ‘yan po yung ating mga senior citizen. At ongoing na rin po yung mga senior citizen dito sa ating vaccination,” aniya.
Sinabi ni Olivarez na kinausap na niya si Virtusio saka niya nalamang kasali si Mark sa listahan ng mga residenteng prayoriad na mabigyan ng COVID vaccine.
“According to her, yun pong tumingin sa kanyang doktor, si Mark Fernandez pala, e, merong comorbidities(may dalawa o higit na sakit ang pasyente).May comorbid siya at alam naman po nating nagkaroon po ng depression si Mark.
“So, ibig sabihin niyan, he’s qualified for the next priority after the frontliners.Yun pong frontliners natin, it’s almost done. Natapos po namin sa Parañaque.
“Mabilis po yung aming inoculation. Mabilis yung aming vaccination program. We do it on all parts of the City of Parañaque, including the private and public,” paglilinaw ng alkalde.